SINTAHANG ROMEO AT JULIET
ni William Shakespeare
Mula sa Inglatera
PAGKILALA SA MAY AKDA:
Si William Shakespeare ay isang Ingles na makata, manunulat at dramatista. Itunuturing na isa sa pinakamahusay sa mga manunulat sa wikang ingles at tanyag sa daigdig ng literatura. Itinuturing siyang maestro sa paggawa ng soneta at mga dula. Ilan sa mga isinulat niyang popular na dulang trahedya ay ang Hamlet, Othelio, King Lear, Romeo at Juliet at ang Macbeth.
Ang pangunahing pinagkukunan ni Shakespeare para kay Romeo at Juliet ay isang tula ni Arthur Brooke na tinatawag na The Tragicall Historye ng Romeus at Iuliet, na isinulat noong 1562.
Si Shakespeare ay sinilang at pinalaki sa Stratford-upon-Avon, Warwickshire. Sa edad na 18, pinakasalan niya si Anne Hathaway, at nagkaroon sila ng tatlong anak: si Susanna, at ang kambal na sina Hamnet at Judith.
Walang talang nakaka-alam kung bakit o ano ang nagudyok sa kaniya para isulat ang Romeo at Juliet pero maraming nagsasabi na isinulat nya ito para balaan ang mga magkasintahan sa mga pagsubok ng pagmamahalan base sa kanyang sariling karanasan, meron namang iba na nagsasabi na base ito sa kasaysayan sa Verona at siya lamang ay (nainspire) kasama ng iba pang mga manunulat kagaya ni Arthur Brooke

URI NG PANITIKAN:
Ang Romeo at Juliet ay isang dula na mula sa Inglatera. Ang Dula ay akdang pampanitikan na ang layunin ay maitanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos, at galaw ang kaisipan ng may-akda.
LAYUNIN NG AKDA:
Isinulat ni Shakespeare and Romeo and Juliet para ipakita sa mga magkasintahan ang pinaka (posibleng) malala na sitwasyon na maaari nilang makita ang sarili nila sa ganon ay mas mapapahalagahan nila ang kanilang relasyon sa isa't isa.
TEMA O PAKSA NG AKDA:
Ang pagkakaroon ng wagas na pag-ibig ng isa't isa hanggang kamatayan.
MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA:
Romeo- Ang kasintahan ni Juliet. Isang mapagmahal na binata, ang anak ng Pamilyang Montague.
Juliet- Ang kasintahan ni Romeo. Isang mapagmahal na dalaga, ang anak ng Pamilyang Capulet.
Paris- Ang karibal ni Romeo sa pag-ibig ni Juliet. Masugid na manliligaw ni Juliet.
Padre Lawrence- Ang pari na nagkasal sa dalawang nagmamahalan na si Romeo at Juliet. Ang paring handang tumulong sa dalawang nagmamahalan.
Pamilyan Montague at Pamilya Capulet- Ang dalawang pamilyang may alitan.
Nars- Ang katulong ng pamilyang Capulet.
TAGPUAN/PANAHON:
- Tahanan ng mga Capulet kung saan palihim na nagpunta si Romeo
- Simbahan kung saan kausap nina Romeo at Juliet si Padre Lawrence.
- Bulwagan ng mga Capulet kung saan unang nagtagpo sina Romeo at Juliet.
NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:
- Sa unang tagpo ipinakita kung ano ang saloobin ng dalawang pangunahing tauhan.
- Sa ikalawang tagpo ipinakita kung saan at paano nagtagpo sina Romeo at Juliet.
- Sa ikatlong tagpo ang pagpapahayag ng nararamdaman nina Romeo at Juliet sa isa't isa.
- Sa ikaapat na tagpo ang pagkikita nina Romeo at Juliet sa simbahan kasama si Padre Lawrence.
- Sa ikalimang tagpo ay nagtungo si Juliet para mangumpisal sa pari.
- Sa ikaanim na tagpo nakita ng nars ang walang buhay na si Juliet.
- Sa ikapitong tagpo nalaman ni Romeo ang nangyari kay Juliet (namatay si juliet) kaya humanap siya ng taong gumagawa ng lason upang siya ay magpakamatay.
- Sa ikawalo at huling tagpo naganap ang pinakamatinding pangyayari sa pagmamahalan nina Romeo at Juliet nang inumin ni Romeo ang lason at sa muling pagmulat ni Juliet ay nakita ang bangkay ni Romeo kaya itinarak niya ang punyal ni Romeo sa kanyang sarili.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA:
ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA/TEORYANG PAMPANITIKAN:
-Romantisismo- Dahil ipinakita ang malalim na pag-iibigan nina Romeo at Juliet.
-Klasismo- Sa mga kaganapan noon na nararanasan natin hanggang ngayon.
-Bayograpikal- Isinulat ni William Shakespeare ang akdang ito.
-Eksistensyalismo- Dahil nagdesisyon sila na ipaglaban pa rin ang kanilang pag-iibigan at sundin ang tinitibok ng kanilang puso.
-Dekonstruksyon- Dahil sila ay nagpakamatay sa halip na harapin at umamin sa kanilang mga magulang, nabuhay ng muli si Juliet ngunit si Romeo naman ang namatay, dahil doon nagpakamatay si Juliet. Imbes na nagkaroon ng masayang katapusan ang romeo at juliet kagaya ng iba pang mga akda noon, ito ay nagtapos sa trahedya
-Klasismo - Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaibang estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan.

BUOD:
Habang nagaganap ang kasiyahan sa bulwagan at habang si Juliet ay nakikipagsayaw ay nakita siya ni Romeo mula sa hanay ng mga kababaihan. Nabihag ng kagandahan ni Juliet ang puso ni Romeo. Nilapitan ni Romeo si Juliet at inayang sumayaw. Sila ay agad na nagkagustuhan at hindi nagtagal sila ay nag pakasal.
Nang si Romeo ay pinaalis dahil sa pagpatay sa isang Capulet, si Juliet ay nakatakda nang ipakasal kay Paris. Naiwasan ito ni Juliet sa pamamagitan ng pag-inom ng pampatulog na gamot na ibinigay ni Padre Lorenzo, ang kaibigan at nagkasal sa dalawa.
Dahil sa gamot na ito, magmumukha siyang patay hanggang sa oras na magigising siya. Nakataon na ang sulat na magsasabi ng kunwa-kunwariang pagpapakamatay ni Juliet ay hindi nakarating kay Romeo, ang nakarating kay Romeo ay ang kanyang asawa na si Juliet ay patay na.
Pinutahan ni Romeo si Juliet at tsaka unimon ng lason. Nagising naman si Juliet ilang sandali bago namatay si Romeo kaya ang magkasintahan ay nakapagpaalam sa isa’t isa. Pagkatapos, sinaksak ni Juliet ang sarili gamit ang punyal ni Romeo.
No comments:
Post a Comment