Sunday, December 1, 2019

PAGLISAN


PAGLISAN
GROUP 1 (10- COBALT) 2019- 2020
(Nobela mula sa Nigeria)



1.    PAGKILALA SA MAY-AKDA

Ang awtor ng Paglisan (Things Fall Apart) ay si Chinua Achebe.  Ipinanganak Albert Chinụalụmọgụ Achebe, Nobyembre 16, 1930 - Marso 21, 2013) ay isang nobelang Nigerian, makata, propesor, at kritiko. Ang kanyang unang nobelang Bagay Fall Fall (1958), madalas na isinasaalang-alang ang kanyang pinakamahusay na, ay ang pinaka-malawak na basahin ang libro sa modernong African panitikan.

Itinataas ng kanyang mga magulang sa bayan ng Igbo ng Ogidi sa dakong timog-silangan ng Nigeria, ang Achebe ay nakapagtapos sa paaralan at nanalo ng isang scholarship upang mag-aral ng medisina, ngunit binago ang kanyang pag-aaral sa panitikan ng Ingles sa University College (ngayon University of Ibadan).


2.  URI NG PANITIKAN
      Ang uri ng panitikan ay nobela. Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusya na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

3.    LAYUNIN NG AKDA

  Ang layunin ng akda ay magbigay aral sa mga mambabasa patungkol sa kultura o mga tribo mula sa bansang Nigeria. Naipapakita rin ng akda ang epekto ng relihiyon sa isang bansa. Nagpapakita rin ito na kailangan natin maging matapang at magkaroon ng kakayahan harapin ang resulta o bunga na iyong ginawa.



4.     TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang tema o paksa ng akda ay labanan sa pagitan ng kultura ng katutubong Aptika at ng impluwensiya ng mga puti Kristiyanong misyonero na gusting ipalaganap ang kritiyanismo at ng kolonyal na pamahalaan ng Nigeria.


5.    MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA

A.  Okonkwo - isang matapang at respetadong mandirigma
B.  Unoka - ama ni Okonkwo
C.  Ikemefuna - ang batang lalaking kiuha bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan
D.  Ogbuefi Ezeudu - matandang taga Umuofia
E.  Enzinma - anak na babae ni Okonkwo
F.  Uchendu - tiyuhin ni Okonkwo
G. Obierika - kaibigan ni Okonkwo
H. Ginoong Kiaga - interpreter
I.   Ginoong Brown - lider ng mga misyonero
J.  Reverend James Smith na isang paring misyonero - isang malupit na misyonero


6.    TAGPUAN/ PANAHON

-       Ang tagpuan ay naganap sa bansang Umuofia, Nigeria na matatagpuan sa Africa.
-       Nagtung si Okonkwo sa MBANTA nang siya ay ipinatapon ng mga Umuofia dahil sa kanyang ginawang pagpatay. Dinala ni Okonkwo ang kaniyang pamilya rito sa kapangalanan ng kanyang ina.


7.    NILALAMAN/ BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

   Si Okonkwo ay itinuring na pangalawang magulang ni Ikemefuna. Si Ogbuefi Ezeudu ay lihim na ipinaalam ang planong pagpatay sa bata at sinabing huwag makialam sa Okonkwo ngunit siya ay nakialam pa rin. Ang bata ay nakatakas at napasaklolo kay Okonkwo. Tinaga niya ang bata upang mapanatili ang katapangan. Lumipas ang ilang taon, namatay si Ogbuefi Ezeudu at sa pagtunog ng mga tambol ay kasabay nito ang pagputok ng baril ni Okonkwo na tumama sa anak ng yumao kung kaya't pinagbayaran niya ang kanyang kasalanan at lumisan. Lumipas ang dalawang taon, ibinalita ni Obierika na winasak ng mga puti ang abame, isa ring pamayanan sa Umuofia. Hindi naglaon, may dumating na mga misyonero sa kanilang lugar at layunin nitong dalhin ang kristiyanismo sa kanilang lugar. Lahat ng pinuno ng Umuofia ay nakatikim ng pang-aabuso. Pagkatapos makalaya, nagdesisyon silang tumiwalag at inakala ni Okonkwo na sila ay maghihimagsik. Kaya gamit ang machete, pinatay niya ang mensahero. Dumating sa lugar ni Okonkwo ang komisyoner upang imbitahan siya sa korte ngunit si Okonkwo ay nagpatiwakal.


8.    MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ang akdang ito ay may mabigat na epekto ng kolonyalismo sa mga katutubong tao ng Africa , bilang karagdagan sa pagsusuri sa mga tradisyunal na kultura ng tagabaryong Nigerian sa nobela.Ang paghihimagsik at pagpapakamatay ni Okonkwo ay nagdala ng pasipikasyon ng mga primitibong tribo ng mas mababang Niger.


9.    ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA/ TEORYANG PAMPANITIKAN

Ang akda ay ginamitan ng mga mababaw na salita ngunit mayroon ding mga matatalinghagang salita na nagpalito ng kaunti sa mambabasa. Sa mga akdang pampanitikan, may mga teorya o pananaw na gumagabay sa pagsusuri. Narito ang ilan:

-       FORMALISMO – sa teoryang ito, binibigyang-pansin ang matatalinhang salita na nakapaloob sa teksto. Nasusuri ang akda batay sa istruktura at pagkakabuo nito. Ang porma ay maaring binubuo ng imahen, sulat, tugma, at iba pa.

-       HUMANISMO - sapagkat gagawin ni Okonkwo ang lahat upang mapanatili ang kanyang katapangan kahit patayin pa niya ang kanyang anak-anakan na si Ikemefuna.
 
-       REALISMO - sapagkat kagaya ni Okonkwo, ang mga tao ay padalos-dalos din sa mga desisyon na kanilang pinagsisisihan sa bandang huli. Gaya na lamang ng pagtaga ni Okonkwo kay Ikemefuna. 

-       EKSISTENSYALISMO - sapagkat maraming desisyon ang nagawa ni Okonkwo gaya ng pagtaga kay Ikemefuna at pagpapatiwakal noong siya ay inimbitahan sa korte.

-       MARKSISMO - sapagkat ipinapakita sa storya na ang katapangan ay pinahahalagahan at kapag mahina ka, talunan ka gaya na lamang ng pagtakip ni Okonkwo ng kanyang katapangan sa kanyang ama na sa tingin niya ay mahina.


10. BUOD

    Si Okonkwo ay may anak-anakan na nagngangalang Ikemefuna ngunit ito ay kanyang tinaga upang mapanatili ang kanyang katapangan. Lumipas ang maraming taon nabalitaan niyang namatay si Ogbuefi Ezeudu. Napatay ni Okonkwo ang anak ng yumao sa pagpupulong. Dumating ang mga misyonero sa kanilang lugar upang ipalaganap ang kristiyanismo. Sinunog ng Egwugwu ang simbahan kaya humiling ng pagpupulong ang mga misyonero. Nakatikim ng pang-aabuso ang mga pinuno ng Umuofia kaya sila tumiwalag at inisip ni Okonkwo na sila ay maghihimagsik. Napatay ni Okonkwo ang mensahero at noong ipapatawag na siya sa korte, siya ay nagpatiwakal.

21 comments:

  1. Ano po ang kasukdulan sa nobelang ito?

    ReplyDelete
  2. Ano Ang tunggalian sa Nobelang Paglisan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano nga po ba?Kung maaari mayroon po bang makapagpapaliwanag sa akin ng aktwal na depinisyon ng "tunggalian"?Iyon po ba yung tumutukoy sa bahagi ng paglalaban ng mga tauhan sa kwento?

      Delete
    2. Opo ayon po, so ano nga po ba yung tunggalian sa nobelang paglisan?

      Delete
  3. Ano Ang teoryang eksistensyalismo

    ReplyDelete
  4. Ano po ang bahagi ng akda na nagpapakita ng
    teoryang Sosyolohikal at ng teoryang moristiko?

    ReplyDelete
  5. Pabigau po ng teoryang sosyolohikal sa Paglisan asap po 😭

    ReplyDelete
  6. Simula,gitna at wakas ng kwento plsss

    ReplyDelete
  7. ano po moralistiko nito? jhfsldfydiusfgbsdljfhjs

    ReplyDelete
  8. Pwede pa dagdag ng tanong?PANANALITA AT PAMAMARAAN tungkol sa nobelang ito

    ReplyDelete