MULLAH, ANG UNANG IRANIAN NA DALUBHASA SA ANEKDOTA
Mga Anekdota mula sa Iranian
Isinulat ni M. Saadat Noury
Isinalin ni Marina Gonzaga-Merida sa Filipino
Sinuri ng Pangkat 2 ng 10-Cobalt
1. PAGKILALA SA MAY-AKDA
Si Saadat Noury ay isang Iranian author, poet, at journalist. Ang kanyang buong pangalan ay Manouchehr Saadat Noury ("MSN"). Si Saadat Noury ay ipinanganak noong 1939 sa Terhan, Iran. Ang kanyang tatay ay isang Historian at ang nanay naman niya ay isang guro. Si Saadat ay nakakuha ng BA degree sa journalism galing sa Tehran University, MS degree sa Humanity Nutrition galing sa Columbia University, DVM degree galing sa Tehran University, at PhD degree sa Humanity galing sa Vanderbilt University.
2. URI NG PANITIKAN
Ang uri panitikan na ginamit sa akda ay isang Anekdota. Ang Anekdota ay isang maikling kuwento o pagsasalaysay ng ilang kawili-wling insidente o pangyayari. Maaring ito ay kata-kata ihango sa totoong pangyayari na nangyari sa isang sikat na tao. Ito ay maikling kwento ukol sa isang magandang karanasan na nag-iiwan ng aral. Ito rin ay tumatalakay sa partikular na paksa na karaniwan ito mula sa personal na karanasan at kinapapalooban ng iba't ibang emosyon tulad ng kasiyahan, kalungkutan, pagkahiya, pagtataka, o pagkakabigo.3. LAYUNIN NG AKDA
- Ang layunin ng akda ay magbigay ng katatawanan at bigyan ang mambabasa ng mga palaisipan sa bawat tapos ng isang anekdota.
- Ang akda ay naglalayong magbigay kawilihan at mag-iwan ng aral sa mambabasa ukol sa isang magandang karanasan.
4. TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema ng mga anekdota ni Mullah Nasserddin ay nagtatagalay ng mga nakakatawa at pagiisipang mga kuwento nagiiwan ng mga mabubuting aral sa huli. Binubuo rin ito ng isa sa mga di-pangkaraniwang pagkilala sa kasaysayan ng metapisika, isang bahagi ng pilosopiya na tungkol sa pagunawa sa buhay kaalaman.5. MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA
Mullah Nasserdin o Mullah Nassr-e Din - kilala sa daglat na MND, Siya ay tagapagkwento ng mga katatawanan na laging maaalaala ng mga Iranian buhat sa kanilang kabataan, Si MND ay may libo-libong nakakatawa at pag-iisipang mga kwento, maraming mga bansa ay inaangkin ang pagkamamamayan ni MND tulad ng Afghanistan,Turkey, at Uzbekistan.
Ang mga kwento ni MND ay binubuo ng isa sa mga di-pangkaraniwang pagkilala sa kasaysayan ng metapisika.
6. TAGPUAN / PANAHON
Ito ay naganap sa isang teahouse. Dito naganap ang usapan ng dalawang tauhan ng kwento na sina MND at ng isang di kilalang tauhan na hindi nabanggit sa kwento
"Sino ang iyong paniniwalaan"
Dito ay naganap sa tarangkahan ng bakuran ni MND. Dito naganap ang usapan nina MND at ang kanyang kapitbahay.
7. NILALAMAN / BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Patungkol ito sa talambuhay ni Mullah, kung paano naging tanyag ang mga kanyang kwine-kwento at kung paano ito naging mahalaga sa mga tao lalo na sa mga Iranian. Pinakita din ang mga iilang halimbawa ng mga anekdota niya katulad ng "Sukatin Mo!" at ang isa ay ang "Sino ang iyong paniniwalaan?" na pinapakita ang isang simple at payak na buhay ng isang mamamayan sa Iran.
- Pangunahing pangyayari- Ipinakilala si Mullah Nassredin
- Tunggalian- Tao laban sa tao
- Kasukdulan- Umalis si Mullah matapos niya sabihin na kung hindi nila alam ang gagawin niya ay hindi niya pagaaksayahan ng panahon ang magbigay ng talumpati
- Kakalasan - Umalis si Mullah matapos niya sabihin sa mga tao na kung alam na nila ang kaniyang gagawin ay wala na dapat siyang sabihin
- Wakas - Sinabi niya sa mga tao na dapat sagutin ng mga taong may alam ang mga taong walang alam sa kaniyang gagawin.
8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Ang hatid ng kaniyang akda sa mambabasa ay ang pag-iisip ng makabuluhan o matalinong pag-iisip. Dahil dito, nakakapagpatawa at nakakapagpasaya siya ng kapwa tao. At ang palaging pagpasaya sa kapwa natin sa pamamagitan ng pagkukwento ng katatawanan para kahit papano mabawasan ang kanilang kalungkutan.
9. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA / TEORYANG PAMPANITIKAN
Ang istilong ginamit sa akdang ito ay ang kanyang mga karanasan sa buhay at ibinabahagi ito ng kawili-wili ngunit may aral na makukuha rito. Halimbawa nang ayaw ipahiram ni Mullah ang buriko sa kaniyang kapit-bahay kaya naman itinago na lang niya ito upang hindi makasakit ng damdamin at nang sa gayon ay maipakita pa rin ang respeto at pag-galang.
TEORYANG PAMPANITIKAN
- Bayograpikal- Dahil nailalantad ang ilang bahagi ng buhay ng manunulat at sinasalamin ng akda ang katauhan ng manunulat na nakadaragdag sa kagandahan at kaisipan nito.
- Sikolohikal- Dahil ipinakita sa akda na ang tao ay nagbago ng ugali dahil may nag udyok na mabago o mabuo ito.
- Klasismo-Dahil ang akda ay nakapaglahad ng mga pangyayaring maaring payak
naging matipid din sa pag gamit ng mga salita at nagtatapos sa kaayusan. - Moralistiko- Dahil pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda.
10. BUOD
Si Mullah Nasserdin na mas kilala sa pangalang Mulla Nasser-e Din (MND) ay ang isa sa pinakamahusay na pagtatala ng katatawanan sa kanilang bansa. Sinasabing naka pagsulat siya ng libo-libong nakakatawa at pag iisipang mga kwento. Ngunit inaangkin ng ibang bansa ang kanyang pagkaka mamamayan. Itinuturing siyang Iranian ng mga dalubhasa sa pagsusulat ng mga anekdota. Ang ilan naman ay itinuturing siya bilang simbolo ng alamat at inilalarawan siya bilang isang mito. Ang mga kwento ni MND ay binubuo ng isa sa mga di pang-karaniwang pagkilala sa kasaysayan ng metapisika. Naririnig ang kanyang mga kwento sa programa, radyo, at mga palabas sa telebisyon sa iba't ibang bansa sa daigdig. Isa ito sa mga pinaka-tumatak sa sip ng mag Iranian na nagmula sa mag sinaunang Persiano. Maraming kwentong pang-komedya ang Onagawa ni Mullah Nasserdin sa kanilang lipunan kaya naman siya ay tinaguriang sang alamat sa paggawa ng kwento dahlia sa likas nitong pagiging mapagbiro sa estilo ng kamyang sining.
Inanyayahanan si Mullah Nasserdin upang magsalita at magtalumpati sa harap ng naraming tao. Sa kaniyang pagsisimula ay nagtanong si Mullah, “Alam ba nino ang aking sasabihin?” Marami ang sumagot nang “Hindi.” Sumagot naman siya at sinabing “Wala akong panahong magsalita sa mag taong hindi alam ang aking sasabihin” at siya ay umalis at iniwang napahiya ang marami.
Kinabukasan ay inimbitahan siyang muli. Muli niyang tinanong ng kaparehong tanong ang mag tao at sa pagkakataong ito ay sumagot sila ng “Oo.” Sumagot si Mullah Nasserddin at sinabing “Kung alam na pala ninho ang aking sasabihin ay hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” at suya ay umalis. Nalito ang lahat sa kanyang sagor kaya inimbitahan nila ito muli. Sa ikatlong beses ay tinanong ni Mullah Nasserddin, “Alam ba nino ang aking sasabihin?”
Kalahati ng mga dumalo ay sumagot ng “Hindi” at kalahati naman ay “Oo.” Sumagot siya at sinabi, “Ang kalahati ay alam na ang aking sasabihin, kaya’t kayo na ang magsabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin” at siya ay umalis.
Kinabukasan ay inimbitahan siyang muli. Muli niyang tinanong ng kaparehong tanong ang mag tao at sa pagkakataong ito ay sumagot sila ng “Oo.” Sumagot si Mullah Nasserddin at sinabing “Kung alam na pala ninho ang aking sasabihin ay hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” at suya ay umalis. Nalito ang lahat sa kanyang sagor kaya inimbitahan nila ito muli. Sa ikatlong beses ay tinanong ni Mullah Nasserddin, “Alam ba nino ang aking sasabihin?”
Kalahati ng mga dumalo ay sumagot ng “Hindi” at kalahati naman ay “Oo.” Sumagot siya at sinabi, “Ang kalahati ay alam na ang aking sasabihin, kaya’t kayo na ang magsabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin” at siya ay umalis.
No comments:
Post a Comment