Sunday, December 1, 2019

1.PAGKILALA SA MAY-AKDA

Si Jack H. Driberg ay ang nagsalin sa ingles ng akdang ito siya ay ipinanganak noong April 1818 at namatay noong Feb 5, 1946. Siya ay isa sa nag Published ng  “The Lango: A Nilotic Tribe of Uganda noong 1923. Siya ay nag aral sa Lancing College at Hertford College.
Si Marina Gonzaga- Merida naman ay ang nagsaling sa tagalog ng akdang ito. Siya ay nag- aral ng kolehiyo sa  St. Paul University sa Manila. Mula noong 1991, siya ay isang Propesor sa Filipino sa St. Scholastica’s College – Manila. Isa rin siya sa mga nagbahagi ng Social Development Department sa kolehiyo, Theology, Women’s Studies, at naging pinuno ng Kagawaran ng Wika at Literatura sa Filipino ng parehong kolehiyo.
2.URI NG PANITIKNAN

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at  panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Angmga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin,lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.
Ang uri ng tula  ay malayang taludturan at  para sa amin ay tradisyunal dahil hindi lang sa pagmamahal sa ibang tao dahil sa pagmamahal sa kanyang pamilya.
Para sa amin ay Realismo din dahil nung nabasa namin ang akda ay ito ay nangyayari dahil mahal na mahal tayo ng ating ina dahil sa kanya tayo nanggaling.
3.Tema o Paksa ng Akda
Ang pagiging ina ay masaya ngunit hindi ito madali dahil madami kang responsibilidad na kailangang gampanan.
Ang pagbibigay ng pangalan sa kanilang lugar ay hindi basta basta.
4.Tagpuan/Panahon
Ang orihinal na tulang ito ay nabuo sa Uganda na kilala sa pangalawang bansa na sa buong daigdig na napapaligiran ng pinakamaraming bansa.
Lupain  na pinaliligiran ng Silangang Africa.Ito ay hangganan sa silangang bansang Kenya,sa hilaga ng Timog Sudan sa kanluran ng Demokratikong Republika ng Congo, sa Timog-kanluran ng Rwanda, at sa Timog naman ng Tanzala.
5.Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari
Lahat ng nilalaman ng akda ay tungkol sa pagmamahal ng isang ina.
Ang naging kakaiba dito sa akda ay ang pagbibigay ng pangalan sa anak ay napakahalaga dahil parang ito ay sumisimbolo na sa kanyang pagkatao.
6. Mga kaisipan o Ideyang taglay ng akda
Tanging Ina o magulang ang magmamahal ng sobra sa ating mga anak.
Tayong mga anak na pinalaki ng ating magulang ay mas mahalin natin ang ating mga magulang dahil sila lang ang tunay na magmamahal at makakatulong sa atin sa oras ng kagipitan o problema.
Naniniwala kami sa kasabihang ang anak ay matitiis ang magulang ngunit ang magulang ay di kayang tiisin ang anak dahil sa kanila tayo nanggaling dugo natin ay iisa.
7.Estilo ng pagkakasulat ng akda
Mula sa una hanggang sa huli ng akdang ito ay puro sa pagmamahal ng ina at  pagbibigay ng pangalan ito nakatutok ang tema nito.
Hindi ito mahirap intindihin dahil hindi naman masyadong malalalim ang salita .
8.BUOD
Tula na tungkol sa pagmamahal ng ina sa kanyang anak at mahalaga sa kanilang bansa ang pagbibigay ng pangalan at  pag binigyan mo na ito ng pangalan ay ito ay sisimbolo na sa kanyang buhay at ang pagmamahal ng Ina ay walang katumbas na kahit ano na di mababayaran ng kahit ano mang materyal na bagay.


No comments:

Post a Comment