Sunday, December 1, 2019

ANG MUNTING PRINSIPE






ANG MUNTING PRINSIPE
(nobela mula sa pransiya)

1) PAGKILALA SA MAY-AKDA

Ang kumatha ng akda ay si Ginoong Antoine de Saint- Exupéry. Siya ay isang pranses piloto at lumaban din noong ikalawang digmaang pandaigdig. Bukod sa kaniyang pagiging piloto siya rin ay isang manunulat o awtor, isa na nga sa kaniyang naikathang akda ay ang The Little Prince noong 1943. Sinasabing ang akdang ito ay inspired base sa kaniyang "plane crash" sa disiyerto ng Sahara. Ang kaniya ring mga akda ay higit na naimpluwensiyahan ng kaniyang pagpapalipad ng eroplano at ang mga karanasan niya rito.


2) URI NG PANITIKAN

Ginamit ng may akda ang nobela bilang uri ng panitikan para mas mailahad ang mga pangyayari at aral ng kwento. Ang nobela ay nahahati sa mga kabanata upang di maguluhan ang mambabasa sa pagintindi ng kuwento at mga pangyayari sa rito. Ang "Ang Munting Prinsipe" ay may 27 kabanata, ngunit ang aming sinuri ay ang mga kabanata 19-21 lamang. Ang may akda ay isinaalang-alang din ang paggamit ng mga salita, dahil gumamit lamang siya ng mababaw na salita upang mas maintindihan at 'di ito maghatid ng kalituhan sa mambabasa

3) LAYUNIN NG AKDA

Ang kabanata 19-21 ng akda ay naglalayong magturo sa mga mambabasa na huwag gamitin ang mga mata sa pagtingin sa isang bagay, bagkus gamitin ang puso upang lalo itong maintindihan. Mailalapat ang mga teoryang moralistiko at klasismo. Ang teoryang moralistiko ay ang mailalapat sa mga akdang nagpapakita ng aral o moralidad sa buhay ng isang tao; ang teoryang klasismo naman ay mailalapat sa mga akdang piling-pili ang mga salita, nagtatapos ng may kaayusan at 'di nalalaos. Naipakita ang teoryang moralistiko dahil ang kabanata 19-21 at kabuuan nito ay nagtuturo ng aral na huwag gamitin ang mata bagkus gamitin ang puso upang tingan ang mga bagay o tao para mas lalo ito maintindihan; at teoryang Klasismo naman dahil bukod sa ito ay nagtatapos ng may kaayusan, ito ay ginagamit parin sa kasalukuyan at ito ay isang patunay na 'di ito nalalaos simula ng ito ay i-katha.

4) TEMA O PAKSA NG AKDA

 Ang tema na mababakas sa kabanata 19-21 ay tungkol sa kahalagahan ng pagtingin sa mga bagay o tao gamit ang puso at hindi ng mga mata.

5) MGA TAUHAN O POP KARAKTER SA AKDA

 Ang mga karakter sa akda sa kabanata 19-21 ay ang Prinsipe, Alamid, at ang mga Rosas. Gumamit ang may akda ng ikatlong panauhan upang mas maipahayag ng maayos ang mga linya o nais sabihin. Ang pangunahing tauhan ay ang prinsipe, sa akdang ito; siya ay tinuruan ng isang alamid o fox na tumingin sa isang bagay gamit ang kaniyang puso at 'di ng kaniyang mga mata. Ang ikalawang tauhan naman ay ang rosas at ang alamid, ang alamid ang nagturo sa munting prinsipe ng aral na pagtingin sa isang bagay gamit ang kaniyang puso at 'di ng kaniyang mga mata. Ang isa pang tauhan na makikita sa kuwento ay ang narrator na siyang naglalahad ng mga pangyayari sa nobelang ito na  makikita ng pangunahing tauhan sa mga susunod na kabanata.

6) TAGPUAN O PANAHON

Ang mga tagpuan na nabanggit sa kwento sa kabanata 19-21 ay ang tuktok ng isang mataas na bundok, at ang hardin. Ang mga nabanggit na tagpuan ay makatotohanan dahil maari itong makita sa totoong buhay.

7) NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Ang ugali ng prinsipe sa akda ay hindi karaniwang ginagamit tulad ng sa ibang istorya. Maraming aral at kahulugan ang nobelang ito. Ang pangyayari sa umpisa hanggang dulo ay magkakaugnay at nailalabas nito ang tamang kahulugan ng mga pangyayari sa akda.


8) MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG MAY-AKDA

·Ang paggamit ng puso at hindi lang mata sa pagtingin sa mga bagay.

·Ang paglalakbay upang makakuha ng iba’t ibang karanasan.

·Ang pakikiramdam sa mga bagay o tao sa paligid

·Lahat ng bagay ay may espesyal na katangian.

·Pagpapahalaga sa mga bagay sa paligid.

9) ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

Angkop ang estilong ginamit ng may akda sa nobela. Detalyado ang bawat eksena. Gumamit ng allegorya ang may akda kung saan ang kwento ay nagpapahiwatig o nagbubunyag ng malalalim na mensahe. Kaya nitong magbigay ng mga kumplikadong eksena upang mapaisip ang mga mambabasa.

10) BUOD

Ang munting prinsipe ay umakyat sa isang bundok na may bulkang abot lamang sa kaniyang tuhod. Akala niya ay matatanaw niya rito ang iba't ibang tanawin at planeta ngunit bandang huli ay kinausap niya lamang ang alingawngaw ng kaniyang boses. Siya ay naglakad sa isang daan hanggang siya ay makarating sa isang hardin. Nagulat siya sa kaniyang nakita dahil akala niya na siya lamang ang may ganoong uri ng bulaklak na rosas. Dahil sa mga pangyayaring ito, naisip niya na baka hindi talaga siyang "great prince". Nakita niya ang isang fox o alamid. Sinabi sa kaniya ng alamid na hindi ito masaya dahil 'di pa siya napapaamo ng prinsipe. Binigyan ng alamid ang prinsipe ng mga direksyon para ito'y mapaamo. Dahil dito may napagtanto ang prinsipe at ito ay ang paggamit ng puso, imbis na mata sa pag tingin ng mga bagay o tao para mas lalo itong maintindihan dahil 'di nakikita ng mata ang totoong halaga ng isang bagay o tao.

No comments:

Post a Comment