Tuesday, December 3, 2019

Liongo


Liongo

Mito mula sa Kenya
Isinalin sa Filipino ni Rodelec P. Urgelles
Sinuri ng baitang 10-Cobalt pangkat 3

PAGKILALA SA MAY AKDA:

•Ang mitong ito ay matanda na at dahil sa sobrang tanda na nito hindi na alam kung sino ang sumulat nito at ito'y naging pag mamay-ari na ng mga tao. Ito ay isinalin ni Roderic P. Urgelles sa wikang pilipino. At ang pagsalin nito sa wikang pilipino ay napaka mahalaga upang mas maintindihan ang ideya at mas madali din natin maintindihan ang pinaparating saatin ng akda

URI NG PANITIKAN:

•Ang liongo ay isang uri ng mito. Ang tawag sa mga nag aaral ng mito at alamat ay "Mitolohiya" .At ang klasikal na mitolohiya ay naglalahad ng kasanayan ng mga diyos-diyosan na sinasamba o pinapaniwalaan ng mga sinaunang tao.At kahit na hindi kapani-paniwala, ito ay tinuturing na banat at totoong naganap. Kalimitang paksa ng mito ay tungkol sa unang lalaki at babae at kung saan nagmula ang araw at gabi.

 LAYUNIN NG AKDA

 •Ang layunin ng akda ay magbigay kaalaman patungkol sa kanilang mga kultura at tradisyon. Naglalayon din itong magbigay aral at aliw sa mga mambabasa nito.

TEMA O PAKSA NG AKDA

•Ang tema o paksa ng akda ay maihahalintulad din sa ibang mga kwento na atin ng nabasa. Patungkol sa isang lalaki na itinuturing na bayani ng mga tao dahil sa angking laki at lakas niya. Ito tungkol kay Liongo sa kanyang buhay at iba't ibang pagsubok na kanyang kinaharap kung paano niya ito nilagpasan.

MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA:

•Liongo - siya ay mataas,kasing taas ng higante. At isa rin siyang bayani
NG swahili at pokonio sa kenya.

•Mbwasho- siya ay ina ni liongo

•Sultan ahmad (hemedi) - pinsan siya ni liongo at siya ay naging bagong hari ng pate.

•Watwat - sila ay naninirahan sa gubat.

TAGPUAN/ PANAHON:

•Sinaunang sibilisasyon ng bansang kenya
-ang liongo ay isang uri ng mito, maari nating sabihin na ito ay naganap noong unang panahon

•Kenya:
Isa sa pitong bayan sa baybayin nito ang pinagmulan ng liongo

•Ozi at ungwana:
ito ay mga lupain na pinaghaharian ni liongo sa tana delta

•Shanga sa fosa- kilala ding isla ng pate lupain na sakop rin ni liongo

•Bilangguan- pinagkulungan kay liongo

•Kagubatan; tinirhan ni liongo pagkatapos makatakas kasama niya dito ang mga watwa.

NILALAMAN O MGA BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

•Simula- isang sanggol na lalaki ang ipinanganak sa pitong bayan sa baybayin ng Kenya. may natatanging lakas ang bata at may isang lihim na kahinaan.

 •Saglit na kasiglahan- Ito ay ang pagiging hari ni Liongo ngunit isang araw ay pinalitan siya ng kanyang pinsan na si Sultan Ahmad. Tunggalian- ( tunggaliang tao laban sa tao ) nang si Liongo ay ibinilanggo at ikinadena ng kanyang pinsang si Sultan Ahmad dahil nais niyang mawala ito.

 •Kasukdulan- nang nakakulong si Liongo ay inawit ng mga tao sa labas ng bilangguan ang kanyang mga kanta at nang dahil sa ingay ay nakalag ang mga tanikala niya.Kaya naman siya ay nakatakas at nanirahan sa kagubatan at nagsanay.

 •Kakalasan- nagtagumpaysi liongo sa isang paligsahan kung saan ang hari nito ay nagpasyang ipakasal ang kanyang anak na babae kay Liongo upang mapabilang ang bayani sa kaniyang pamilya.

 •Wakas- Si Liongo ay nagkaroon ng anak na lalaki na nagtaksil at pumatay sa kaniya.

 MGA KAISIPAN O IDEYA NA TAGLAY NG AKDA

•Ang mga kaisipan o ideyang taglay ng akda ay kakaiba.
Ito ay nag bibigay ng mga aral tulad ng:
 "huwag agad-agad mag titiwala"
" mayroon talagang mga tao na ayaw o galit sayo"
 "kahit kadugo mo ay maaari ka paring traydurin".
 Ito ay may kakaibang pagtatapos na hindi karaniwang maiisip ng mga mangbabasa.


ESTILO NG PAGKASULAT NG AKDA / TEORYANG PAMPANITIKAN
   
       •Teoryang Klasismo- ang akdang liongo ay kwento ng bayani, ang ganitong mga istorya ay hindi kailanman naluluma o nalalaos. 

       •Teoryang Realismo- may mga pangyayari sa akda na nangyayari sa totoong buhay tulod ng pag abuso ng nakatataas sa kanilang kapangyarihan.

      •Teoryang Eksistensyalismo- ito ay dahil nagawang mag desisyon ni Liongo para sa kanyang sarili ang manirahan na lamang sa kagubatan matapos niyang makatakas.

       BUOD
     
      •Si Liongo ay isang mitolohikal na bayani sa Swahili at Pokonio na may natatanging lakas at kasintaas ng higante. Ngunit dahil kagustuhan ni Sultan Ahmad na mawala si Liongo ay kaniya itong pinakulong at ikinadena.Nang makatakas ay nanirahan sya sa gubat at nagsanay gumamit ng busog at palaso na nagpanalo sa kanya sa isang paligsahan.Nagpatuloy ang kaniyang buhay at nakapangasawa pero ang kaniyang sariling anak ang nagtaksil at pumatay sa kaniya.


      

Monday, December 2, 2019

Bawal ang Anak na Lalaki

Bawal ang Anak na Lalaki

Epiko mula sa Congo
Isinulat ni Aaron Shepard
Isinalin ni Marina Gonzaga-Merida sa Filipino
Sinuri ng Pangkat 5 ng 10-Cobalt

Image result for aaron shepard books

1.PAGKILALA SA MAY-AKDA

Si Aaron Shepard ang award-winning na may-akda ng The Legend of Lightning Larry, The Sea King's Daughter, The Baker's Dozen, at marami pang mga libro ng mga bata mula sa mga publisher na malaki at maliit. Ang kanyang mga kwento ay madalas ding lumitaw sa Cricket at School Magazine ng Australia.

Ang specialty ni Aaron ay ang retelling folktales at iba pang tradisyonal na panitikan mula sa buong mundo. Ang kanyang gawain ay pinarangalan ng American Library Association, National Council for the Social Studies, American American Folklore Society, New York Public Library, at Bank Street College of Education.


2. URI NG PANITIKAN

Ang panitikan na ginagamit sa akda ay Epiko. Ang Epiko ay mahabang salaysay sa anyong patula. Sa makabagong katawagan, kadalasang napapalawig ito sa ibang anyo ng sining, tulad ng sa teatrong epiko, mga pelikula, musika, nobela, palabas sa telebisyon at kahit sa mga larong bidyo, kung saan may mga tema ang kuwento ng kadakilaan ng kabayanihan, katulad sa panulaang epiko.

3. LAYUNIN NG AKDA

  • Ang layunin ng Epiko ay magpasalaysay na nagsasaad ng mga kabayanihan ng pangunahing tauhan.
  • Karamihan sa mga epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagong proseso ng pagpapaunlad ng kultura.

4. TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang tema ng Epiko ni Mwindo ay nagpapakita ng  pagmamahal sa kanyang ama na si She-Mwindo subalit na sinibukan nya patayin, ilibing ng buhay o ipaanod sa ilog. Pero sa huli, tinanggap na ni She-Mwindo na maging anak na si Mwindo. ito nagtatagalay ng mga nakakatawa at pagiisipang mga kuwento nagiiwan ng mga mabubuting aral.


5. MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA


  • She- Mwindo-Ang pangalan ay nangangahulugang "ama ni Mwindo".
  • Mwindo- Ang anak ni She-Mwindo.
  • Tiya Ayungara- Tita ni Mwindo.



Image result for Nyanga tribe6. TAGPUAN / PANAHON


Nayon ng Tubundo- Kung
Saan na mumuno ang datu
at ipinanganak si Mwindo.
Ilog/Pampang- Kung saan ipanaanod si Mwindo.













7. NILALAMAN / BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

  • Pangunahing pangyayariShe-Mwindo nag sabi ng pahayag tungkol sa sanggol na gusto nya ay babae lamang.
  • TunggalianTao laban sa tao
  • Kasukdulan- Sinubukan ni She-Mwindo na mawala si Mwindo sa buhay katulad ng patayin, ilibing ng buhay o ipaanod sa ilog.
  • Kakalasan-  Natiling buhay si Mwindo at nahanap sya ni Tiya Ayungara at inalagaan.
  • Wakas - Naghanda si Mwindo upang harapin ang ama nya, sa huli pumayag si She- Mwindo na maging ama ni Mwindo.


8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA


Ang tungkol sa akda na ito para sa mambabasa ay magmahal at magpatawad sa iba tao, halimbawa si Mwindo ay patuloy parin kulitin ang ama nya upang sya ay maging anak, dahil sya nagpapakita ng respeto at pagmamahal kay She- Mwindo.



9. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA / TEORYANG PAMPANITIKA


Sa unang pagbasa, naakawili -wili ang istorya dahil sa tribo ng African.


Sa huli, kesa mapangit ang katapusan ipinakita ang magandang asal ni Mwindo

sa kanya ama.



Ang istorya ay makulay kahit negatibo ang balangkas tila mabuhay ang positibo ng istorya.



TEORYANG PAMPANITIKA

  • Sikolohikal- nagbago ang ugali ang pagkatao dahil sa influensya ng iba.
  • Klasismo-Ang akda ay nakapaglahad ay hindi naluluma o nalalaos.
  • Moralistiko- Ipinapakita ang akda ang moralidad.

10. BUOD

Sa Nayon ng Tubondo ay may isang datu na nagngangalang She-Mwindo. Isang araw pinatawag nya ang mga mamamayan na kanyang nasasakupan, tagapayo at ang kanyang pitong asawa. Sinabe nya rito na babae lang ang tatanggapin nyang anak, ang lalakeng maisisilang ay hindi tatanggapin at kanyang papatayin. Sabay sabay nanganak ang anim na asawa ni She Mwindo at lahat ng sanggol ay babae, ngunit ang pangpitong asawa ay di pa nanganganak dahil ayaw pa lumabas ng sanggol, si Mwindo, dahil sya ay hindi tanggap ng kanyang ama. Nagdesisyon syang lumabas sa pusod ng kanyang ina, nagulat ang kanyang ina at natuklasan ng datu si Mwindo. Tinangkang patayin si Mwindo sa pagbato ng sibat ngunit hindi sya natamaan. Siya ay ipinalibing at ipinaanod sa ilog ngunit siya ay nakaligtas pa rin. Pumunta sya sa kanyang Tiya Iyangura at doon siya ay tinanggap. Si Mwindo ay lumaki at nagdesisyon na kalabanin ang kanyang ama dahil ilang beses pinagtangkaan ang kanyang buhay. Sumama sa kanya ang kanyang tiya, ipagbabato siya ng sibat ng mga tauhan ng Datu at tinangkang dahulungin ngunit walang epekto dahil sa Conga. Tumakas ang Datu at hinabol ito ni Mwindo. Ang akala ng datu  ay papatayin siya ngunit ang sinabe ni Mwindo ay " Ang ama ay hindi maaaring maging ama kung wala siyang anak na lalaki, at ang anak na lalaki ay hindi maaaring maging anak kung wala siyang ama. Kailangang maging ama kita upang ako ay maging anak." Si She-Mwindo ay namangha  at tinanggap nya si Mwindo at bumalik sila sa Nayon.




































Sunday, December 1, 2019

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY

1.Pagkilala sa May- akda

Si Jack H. Driberg ay ang nagsalin sa ingles ng akdang ito siya ay ipinanganak noong April 1818 at namatay noong Feb 5, 1946. Siya ay isa sa nag Published ng  “The Lango: A Nilotic Tribe of Uganda noong 1923. Siya ay nag aral sa Lancing College at Hertford College.

Si Marina Gonzaga- Merida naman ay ang nagsaling sa tagalog ng akdang ito. Siya ay nag- aral ng kolehiyo sa  St. Paul University sa Manila. Mula noong 1991, siya ay isang Propesor sa Filipino sa St. Scholastica’s College – Manila. Isa rin siya sa mga nagbahagi ng Social Development Department sa kolehiyo, Theology, Women’s Studies, at naging pinuno ng Kagawaran ng Wika at Literatura sa Filipino ng parehong kolehiyo.
2. Uri ng Panitikan

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at  panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Angmga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin,lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.
Ang uri ng tula  ay malayang taludturan at  para sa amin ay tradisyunal dahil hindi lang sa pagmamahal sa ibang tao dahil sa pagmamahal sa kanyang pamilya.
3.Layunin ng akda
Mahalin ang ating ina dahil sa kanila tayo nanggaling at wag nating tiisin ang ating mga magulang dahil sila di man sila perpektong mga magulang, ginagawa naman nila ang lahat para tayo ay lumaki ng maayos at mabigay ang ating mga luho.
Para samin ay Imahenismo dahil  gumamit ng mga malalalim na salita para iparating sa atin ang mensahe ng akda.
Para sa amin ay Realismo din dahil nung nabasa namin ang akda ay ito ay nangyayari dahil mahal na mahal tayo ng ating ina dahil sa kanya tayo nanggaling.
4.Tema o Paksa ng akda
Ang pagiging ina ay masaya ngunit hindi ito madali dahil madami kang responsibilidad na kailangang gampanan.

Ang pagbibigay ng pangalan sa kanilang lugar ay hindi basta basta.

5.Mga tauhan/karakter sa tula

Walang karakter at tauhan tanging ang gumawa lang ng tula ang tauhan.Para samin ang kanyang karakter ay isang mabait at mapagmahal na anak sa kanyang ina.

6.Tagpuan/ Panahon

Ang orihinal na tulang ito ay nabuo sa Uganda na kilala sa pangalawang bansa na sa buong daigdig na napapaligiran ng pinakamaraming bansa.
Lupain  na pinaliligiran ng Silangang Africa.Ito ay hangganan sa silangang bansang Kenya,sa hilaga ng Timog Sudan sa kanluran ng Demokratikong Republika ng Congo, sa Timog-kanluran ng Rwanda, at sa Timog naman ng Tanzala.

7.Nilalaman o Balangkas ng mga pangyayari
Lahat ng nilalaman ng akda ay tungkol sa pagmamahal ng isang ina.
Ang naging kakaiba dito sa akda ay ang pagbibigay ng pangalan sa anak ay napakahalaga dahil parang ito ay sumisimbolo na sa kanyang pagkatao.
8.Mga kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda
Tanging Ina o magulang ang magmamahal ng sobra sa ating mga anak.
Tayong mga anak na pinalaki ng ating magulang ay mas mahalin natin ang ating mga magulang dahil sila lang ang tunay na magmamahal at makakatulong sa atin sa oras ng kagipitan o problema.
Naniniwala kami sa kasabihang ang anak ay matitiis ang magulang ngunit ang magulang ay di kayang tiisin ang anak dahil sa kanila tayo nanggaling dugo natin ay iisa.
9.Estilo ng pagkakasulat ng akda
Mula sa una hanggang sa huli ng akdang ito ay puro sa pagmamahal ng ina at  pagbibigay ng pangalan ito nakatutok ang tema nito.
Hindi ito mahirap intindihin dahil hindi naman masyadong malalalim ang salita .
10.Buod
Tula na tungkol sa pagmamahal ng ina sa kanyang anak at mahalaga sa kanilang bansa ang pagbibigay ng pangalan at  pag binigyan mo na ito ng pangalan ay ito ay sisimbolo na sa kanyang buhay at ang pagmamahal ng Ina ay walang katumbas na kahit ano na di mababayaran ng kahit ano mang materyal na bagay.