Liongo
Mito mula sa Kenya
Isinalin sa Filipino ni Rodelec P. Urgelles
Sinuri ng baitang 10-Cobalt pangkat 3
PAGKILALA SA MAY AKDA:
•Ang mitong ito ay matanda na at dahil sa sobrang tanda na nito hindi na alam kung sino ang sumulat nito at ito'y naging pag mamay-ari na ng mga tao. Ito ay isinalin ni Roderic P. Urgelles sa wikang pilipino. At ang pagsalin nito sa wikang pilipino ay napaka mahalaga upang mas maintindihan ang ideya at mas madali din natin maintindihan ang pinaparating saatin ng akda
URI NG PANITIKAN:
•Ang liongo ay isang uri ng mito. Ang tawag sa mga nag aaral ng mito at alamat ay "Mitolohiya" .At ang klasikal na mitolohiya ay naglalahad ng kasanayan ng mga diyos-diyosan na sinasamba o pinapaniwalaan ng mga sinaunang tao.At kahit na hindi kapani-paniwala, ito ay tinuturing na banat at totoong naganap. Kalimitang paksa ng mito ay tungkol sa unang lalaki at babae at kung saan nagmula ang araw at gabi.
LAYUNIN NG AKDA
•Ang layunin ng akda ay magbigay kaalaman patungkol sa kanilang mga kultura at tradisyon. Naglalayon din itong magbigay aral at aliw sa mga mambabasa nito.
TEMA O PAKSA NG AKDA
•Ang tema o paksa ng akda ay maihahalintulad din sa ibang mga kwento na atin ng nabasa. Patungkol sa isang lalaki na itinuturing na bayani ng mga tao dahil sa angking laki at lakas niya. Ito tungkol kay Liongo sa kanyang buhay at iba't ibang pagsubok na kanyang kinaharap kung paano niya ito nilagpasan.
MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA:
•Liongo - siya ay mataas,kasing taas ng higante. At isa rin siyang bayani
NG swahili at pokonio sa kenya.
•Mbwasho- siya ay ina ni liongo
•Sultan ahmad (hemedi) - pinsan siya ni liongo at siya ay naging bagong hari ng pate.
•Watwat - sila ay naninirahan sa gubat.
TAGPUAN/ PANAHON:
•Sinaunang sibilisasyon ng bansang kenya
-ang liongo ay isang uri ng mito, maari nating sabihin na ito ay naganap noong unang panahon
•Kenya:
Isa sa pitong bayan sa baybayin nito ang pinagmulan ng liongo
•Ozi at ungwana:
ito ay mga lupain na pinaghaharian ni liongo sa tana delta
•Shanga sa fosa- kilala ding isla ng pate lupain na sakop rin ni liongo
•Bilangguan- pinagkulungan kay liongo
•Kagubatan; tinirhan ni liongo pagkatapos makatakas kasama niya dito ang mga watwa.
NILALAMAN O MGA BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
•Simula- isang sanggol na lalaki ang ipinanganak sa pitong bayan sa baybayin ng Kenya. may natatanging lakas ang bata at may isang lihim na kahinaan.
•Saglit na kasiglahan- Ito ay ang pagiging hari ni Liongo ngunit isang araw ay pinalitan siya ng kanyang pinsan na si Sultan Ahmad. Tunggalian- ( tunggaliang tao laban sa tao ) nang si Liongo ay ibinilanggo at ikinadena ng kanyang pinsang si Sultan Ahmad dahil nais niyang mawala ito.
•Kasukdulan- nang nakakulong si Liongo ay inawit ng mga tao sa labas ng bilangguan ang kanyang mga kanta at nang dahil sa ingay ay nakalag ang mga tanikala niya.Kaya naman siya ay nakatakas at nanirahan sa kagubatan at nagsanay.
•Kakalasan- nagtagumpaysi liongo sa isang paligsahan kung saan ang hari nito ay nagpasyang ipakasal ang kanyang anak na babae kay Liongo upang mapabilang ang bayani sa kaniyang pamilya.
•Wakas- Si Liongo ay nagkaroon ng anak na lalaki na nagtaksil at pumatay sa kaniya.
MGA KAISIPAN O IDEYA NA TAGLAY NG AKDA
•Ang mga kaisipan o ideyang taglay ng akda ay kakaiba.
Ito ay nag bibigay ng mga aral tulad ng:
"huwag agad-agad mag titiwala"
" mayroon talagang mga tao na ayaw o galit sayo"
"kahit kadugo mo ay maaari ka paring traydurin".
Ito ay may kakaibang pagtatapos na hindi karaniwang maiisip ng mga mangbabasa.
ESTILO NG PAGKASULAT NG AKDA / TEORYANG PAMPANITIKAN
•Teoryang Klasismo- ang akdang liongo ay kwento ng bayani, ang ganitong mga istorya ay hindi kailanman naluluma o nalalaos.
•Teoryang Realismo- may mga pangyayari sa akda na nangyayari sa totoong buhay tulod ng pag abuso ng nakatataas sa kanilang kapangyarihan.
•Teoryang Eksistensyalismo- ito ay dahil nagawang mag desisyon ni Liongo para sa kanyang sarili ang manirahan na lamang sa kagubatan matapos niyang makatakas.
BUOD
•Si Liongo ay isang mitolohikal na bayani sa Swahili at Pokonio na may natatanging lakas at kasintaas ng higante. Ngunit dahil kagustuhan ni Sultan Ahmad na mawala si Liongo ay kaniya itong pinakulong at ikinadena.Nang makatakas ay nanirahan sya sa gubat at nagsanay gumamit ng busog at palaso na nagpanalo sa kanya sa isang paligsahan.Nagpatuloy ang kaniyang buhay at nakapangasawa pero ang kaniyang sariling anak ang nagtaksil at pumatay sa kaniya.
•Si Liongo ay isang mitolohikal na bayani sa Swahili at Pokonio na may natatanging lakas at kasintaas ng higante. Ngunit dahil kagustuhan ni Sultan Ahmad na mawala si Liongo ay kaniya itong pinakulong at ikinadena.Nang makatakas ay nanirahan sya sa gubat at nagsanay gumamit ng busog at palaso na nagpanalo sa kanya sa isang paligsahan.Nagpatuloy ang kaniyang buhay at nakapangasawa pero ang kaniyang sariling anak ang nagtaksil at pumatay sa kaniya.